Thursday, July 31, 2008

hanapin mo...

hanapin mo ang lahat ng makapagpapasaya sa iyo at makapagbibigay sigla ng yong buhay at pag nandun  ka na hwag mong kalimutan itanong sa sarili mo ... masaya ba ako talaga? Nakapagbigay saya ba sa Diyos at sa kapwa ko ang mga ginagawa ko o ako lang ang masaya? o kung nandyan ka naman sa masayang kalagayan ngayon, hwag mo rin kalimutang tanungin ang sarili mo, mapayapa ba ang puso ko sa ngayon, masaya ba ako talaga o niloloko ko lang ang sarili ko at inaabala sa maraming bagay para di ko maramdaman ang kulang?. May kulang nga ba? Alalahanin mo Siya bago tuluyang mawalan ng kabuluhan ang lahat ng bagay na mayron ka, bago tuluyang dumating ang panahon na di ka na makalakad na mag-isa o di naman kaya ay pumuti na ang iyong buhok at tuluyang manumbalik sa Kanya ang ipinahiram na buhay. Pagkat sa lahat ng bagay na gagawin, hayag man o lihim. mabuti man o masama, ito'y isusulit natin sa Diyos. (Mangangaral 12:14).Sa mundo na magulo, at habang ang tao ay abalang-abala sa maraming bagay...isa lang ang tanging kailangan, ang katugunan, at ang dapat panaligan... tiyak mo ba na nahanap mo na SIYA?

haay buhay' tuloy pa rin ...

masakit ang ulo ko ngayon, eh kasi nga, di ba pag biglang gising mo at napabalikwas ka sa pagbangon, eh tinakbo ko kasi yung ibinilad kong floor mat sa labas dahil umuulan na pala eh di ko namalayan(kasi nga napaidlip ako sa pagod ko sa trabaho kanina). Ang nangyari kasi eh nagbara ang sink sa kitchen at nagoverflow ang tubig sa sahig kaya tawag ako ng plumber bago ako pumasok, yun nga pumunta naman nitong hapon na pagdating ko galing trabaho, so habang hinihintay ko matapos eh nagbayad muna ako ng bills sa internet, siyempre nagcheck na rin iba kong mails, nung matapos sya, umidlip muna ako, eh bigla akong gising akala ko eh oras na uli ng pagbalik ko sa trabaho, yun na namalayan ko na lang na umuulan pala. pumasok sa isip ko ang mga bills na kailangan ko pang isettle within this week at pa ti na rin yung mga kasunod pang mga bayarin. Napahay buhay tuloy ako... syempre para kasing di na matatapos ang lahat ng ito halo-halo sa isip ko ang dapat gawin at para bang nakakapagod na .. pero pag negative na ang takbo ng utak ko eh sabay baling ng spirit ko ..opps count your blessing wag yung mga complain ng isip mo ang entertainin mo, live only today, bat ba binabalisa mo sarili mo, binigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na mabuhay sa araw na ito, yun muna ang isipin mo, bahala ang Diyos sa kung anong ibibigay niya sayo bukas. problema niya yun. so ngayon tuloy lang ang buhay, pasalamat ako dahil buhay pa ako  ngayon eh wala naman kasing excitement kung panay na lang masasaya ang takbo ng buhay  dahil di mo mapifeel ang kalagayan ng ibang tao na dumaranas ng hirap at lungkot kung di ka ilalagay ng Diyos sa sitwasyon na katulad nila. yun ang nakakapagpapalakas sa ating loob para magpatuloy sa buhay dahil dinedevelop tayo ng Diyos sa iba-ibang angle para tumatag at lalong humawak sa ating faith sa Kanya. Imagine kahit na hirap ka, makukuha mo pa rin ang magpasalamat at magtiwala sa gagawin ng Diyos sa atin. Awit 121:2 Ang hangad kong tulong sa Diyos magmumula, Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. Ang buhay ko, tuloy pa rin (kahit ano mangyari...)  

Wednesday, July 30, 2008

Buhay-pamumuhay

Ano nga ba talaga ang tunay na buhay na gusto natin, Naitanong mo na ba yang minsan sa sarili mo? o paano ba talaga mabuhay lalo na kung ikaw ay nasa malayomg lugar? Ang "site" na ito ay isang malaking pagkakataong maibahagi sa iba ang tunay na kulay ng buhay  eh di basta natural na buhay kundi yung totoo na naranasan mo habang ikaw ay binibigyan pa ng pagkakataon na magising sa umaga, meaning may pag-asa pa na nakalaan sa iyo para ganapin ang iyong buhay at hanapbuhay. Kasama na ang pag-iyak, pagtawa, o lungkot man o saya, mga hirap na pinagdadaanan. mga kaginhawahan na nadarama pagkatapos ng hirap. Alam natin na lahat ng iyan eh kasama sa totoong buhay natin dito sa lupa. Sabi nga nila pag wala  ka ng problema at di ka na humihinga eh wala tapos na ang buhay. Pero habang naririto pa tayo wag nating sayangin ang buhay anupaman ito na ipinagkaloob sa atin. Eh bakit ko nga pala sa Tagalog ito naiblog kasi naman bayaan mo na yung iba dyan na maishare ang kanilang husay sa Ingles na gusto nila kasi dun sila mahusay at saka blessed. Ako naman eh baka maubos pa ingles ko eh di pa tayo magkaintindihan. mabuti na gamitin ko sarili ko lenguwahe sa pag-abot sa puso ng masang pilipino ha.ha.ha.Kahit naman noon pa, simple lang buhay na gusto ko, yung masabi sa tao na lahat ng bagay may dahilan ang Diyos kung bakit patuloy pa rin niyang tayong pinapahiram ng buhay. Kaya kahit anu ka pa ngayon, anuman ang pagkatao mo, nasa liwanag ka man o nasa madilim na pamumuhay, masaya ka man ngayon o malungkot, umiiyak ka man o tumatawa(siguruduhin mo lang na nakakabit ng maigi ang pustiso mo ok) anuman ang itsura mo (kahit pa nga parang sa palagay mo dinaanan ng pison ang itsura ng ilong mo ok lang iyan kasi in na in na yan ngayon sa mga show o sa TV he, he,he)Ang ibig kong sabihin , nung nilikha tayo ng Diyos eh di Siya nagkamali at di niya intensyong pahirapan tayo sa mga kinakaharap natin sa ngayon at habang may buhay ka pa eh ang isipin natin ay ano ang dapat kong gawin , ano ang layunin ko ngayon na makapagbibigay saya sa Diyos at sa tao. Hindi yung kung papaano ko wawakasan ito? Hay naku problema ng Diyos na gawin yun. Pag di pa nya binabawi ang buhay mo ibig sabihin may ipapagawa pa siya saiyo. Gusto pa Niyang makasama ka sa magandang gawain na ibibigay niya sayo. Kaya pahirin mo na luha mo  pati na rin ang sipon mo na tumulo sa ilong (talaga naman kasi ako pag umiiyak pati ilong ko eh sabay na natulo ang sipon di ba?). Kasi anumang bahagi ng buhay natin ngayon, ang kailangan lang eh mayron kang Diyos na pinanghahawakan. Maraming mabibigat na sitwasyon ang maaring dumating sayo, saka mo na isipin yon, mahalaga buhay ka sa araw na ito (kasi nababasa mo pa ito di ba?) at saka ang tunay at totoo sa buhay ay yung may tunay kang Backer na nasa likod mo , nasa harap mo ,sa tagliran mo saan ka man pumunta, kasama mo SIYA. So don't worry, be happy ika nga ng iba, (Awit 139). O sige , sa susunod  na pagsulat ko sana magkasama pa rin tayo. Bye