Thursday, September 25, 2008
kung umuulan....
nakakatamad lumabas ng bahay...,humm ang sarap matulog at saka pakiramdam ko ba eh ayaw umalis ng katawan ko sa higaan kasi nga medyo malamig, at saka ang lakas pa naman ng ulan.., di maganda ang weather ngayon, di na lang ako papasok sa trabaho...ano kaya ang masarap na almusal, ahhh alam ko na, makapagluto kaya ng tsamporado at saka pritong tuyo at tsaka kapeng mainit. Hay sarap makakapahinga rin ako dito sa bahay. Saka ko na lang tatapusin ang gawain ko,pahinga muna ako sandali...another side of ulan comment... Hay ano ba yan, ngayon pa umulan ang dami ko pa namang gagawin ngayon nakakabadtrip tuloy, mababasa na naman itong damit ko pagpasok, at saka ang hirap magdrive kapag umuulan, madulas pa naman ang kalsada di ko masyadong nakikita ang daan. Nakakatamad maggrocery kapag ganito kalakas ang ulan.Iba-ibang comment natin kapag umuulan, either iaapreciate natin o magcomplain tayo sa sitwasyon. Ganito din sa buhay natin sa araw-araw,gusto natin yung kung saan tayo ay convenient, naluluwagan at yung bang laging nasisikatan ng araw, gusto natin yung buhay na fast o kaya naman ay instant, yung bang di tayo kailangang makaranas ng inconvenience sa buhay. Ano ang magiging reaksyon mo kapag naranasan mo ang malakas na pag-ulan? Ulan ng sunod-sunod na pagsubok?Pagbuhos ng malakas na ulan sa iyong pamilya kaya? minsan bagyo pa nga kung dumating, sakit ba? o kahirapan ? o kaguluhan ? di pagkaka-unawaan ng mga mahal mo sa buhay kaya? problema sa tamang pagpapalaki sa mga anak?Lahat ng iyan eh maaari nating maranasan pero nakadepende saiyo kung paano mo tatanggapin ang bawat pagpatak ng ulan. Maiinis ka ba? magtatago ka ba ? susuko ka ba ? malulungkot ka ba? Nakasalalay sa pagtanggap mo ang ikasasaya o ikalulungkot mo kapag bumuhos sa iyo ang matinding bagyo.Di mo man ito maiwasan pero may kapangyarihan ka na saluhin ito ng payapa at masaya. At walang sinuman ang pwedeng makapigil sayo sa magiging attitude mo kung umuulan. Tayo ang may hawak ng pag-uugali natin, dito tayo masasalamin ng tao kung paano tayo nakikitungo sa iba.Tulad nga ng lagi kong sinasabi, pipili rin lang tayo ng paraan kung paano tayo mabuhay dito sa lupa, eh piliin na natin yung masisiyahan tayo gayundin ang iba.Hindi nabibili ng pera ang saya. Kasi ang tao kahit may pera o wala eh pwedeng sumaya depende sa pagtanggap natin sa kung ano ang mayroon tayo, at huwag hanapin ang wala. Kung umuulan ngayon sa buhay mo.. tumingin ka sa positibong paraan para ka sumaya... at tulad ng awit na ito, magiging magaan ang lahat basta alam mo lang kung saan ka maglalagak ng tiwala. IKAW O DIYOS ANG TANGI KONG KANLUNGAN, BAGYO MAN SA BUHAY AY DUMAAN. LUMAKAD MAN SA LILIM NG KAMATAYAN, IKAW O DIYOS ANG TANGING KALIGTASAN.NATATANGI KONG SANDIGAN AY IKAW O HESUS, NATATANGI KONG PAG-ASA AY IKAW PANGINOON. KAILANMAN IKAW AY DI NAGBABAGO, SANDIGAN KO'Y IKAW...(AWIT 46:1-3) Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, At handang saklolo kung may kaguluhan; Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, Kahit na sa dagat ang bundok mabuwal; Kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal..v.11 kasama natin Diyos na Makapangyarihan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment