Thursday, September 11, 2008
pagod ka na ba ?
minsan ba sumagi sa isip mo ang ganitong tanong? napapagod na ba ako sa araw-araw na routine ng buhay? parang walang pagbabago, umaga pa lang busy na sa paggayak pagpasok sa trabaho, hanggang maghapon, tapos uwi sa gabi, konting tulog, bukas heto naman, the same pa rin na gagawin, maski nga nakapaligid sa atin eh halos mamemorize na natin sa araw-araw, manood ka ng news, yun pa rin ang makikita mo, siyempre mas marami ang bad news kesa good news, eh sino naman ang makikinig kapag lahat ng ibabalita ay panay good. Kaya nga kumikita ang mga diyaryo dahil mas gusto nila ang article na mas bad kesa good. Hay naku buhay, mahirap di ba? Lagi ka na lang may pinaglalaanan pag katapusan, siyempre pa ang lahat ng bills na naghinintay na mabayaran bago magdue. Kung minsan tuloy para bang wala ng katapusan ang lahat ng bagay na hinaharap natin. Pero alam mo ba, ang totoo, kasama talaga iyan sa pagdadaanan natin habang narito pa tayo sa lupa at nabubuhay. Kailangan lahat may challenge. Kaya nga tinawag na hanapbuhay kasi ang ibig sabihin niyan eh dahil buhay ka kailangan eh humanap ka ng ikabubuhay mo, di dapat maging hanap patay dahil di pa naman tayo patay di ba?. Kaya di tayo dapat magsawa at maging tamad sa paggawa para sa ikabubuti natin. Alam natin nakikiraan lang tayo sa mundong ito, di ito ang permanenteng tirahan natin, darating ang oras at uuwi rin tayong lahat sa talagang tirahan natin. At habang narito tayo, pansamantala lang ang lahat ng ipinararanas sa atin, At saka isa pa, lahat ng bagay na mayroon tayo ngayon, huwag nating isipin na talagang atin kasi PAHIRAM LANG SA ATIN ANG LAHAT NG IYAN, kaya huwag tayong masyadong spoiled na sukdulan na tayong hindi makatulong sa iba kasi pakiramdam natin eh atin ang lahat ng bagay na pinagpagalan natin. Ang totoo, lahat ng bagay eh ipinararaan lang ng Diyos sa palad natin para may magamit tayo at para na rin maging blessing tayo sa buhay ng iba. Naranasan mo na ba minsan nga eh kahit ayaw nating tumulong sa iba pero kapag gusto ng Diyos na ibigay sa iba ang nasasayo eh di ba wala tayong magawa, kasi nga eh siya ang may kontrol ng kung anuman ang mayroon tayo at kung sino man ang gusto niyang pagbigyan. At ang talagang TOTOO, kahit nakakapagod eh di nakakasawang mabuhay, kasi iyan ang blessing na bigay ng Diyos sa atin. (Awit 139:1-3) Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, Ang lahat kong lihim, Yahweh ay tiyak mong nalalaman. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay di lingid, Kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, Ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment